-- Advertisements --

Nakalagay na sa blacklist ng Bureau of Immigration (BI) ang 35 foreign nationals na registered sex offenders (RSO) na tinangankang pumasok sa bansa nong nakaraang taon.

Ang RSO ay ang mga banyagang dati nang convicted dahil sa sex crime sa kanilang bansa na natapos na ang sintensiya o nagawaran ng parole o probation.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, mas mababa ngayon ang bilang ng mga naharang na mga banyagang RSO dahil na rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Noong 2019 ay 160 raw ang mga sex offenders na naharang ng Bureau.

Karamihan sa mga napabalik na sa kanilang bansa ay guilty sa pangmomolestiya ng mga menor de edad.

Ang impormasyon sa mga RSO ay regular na kinukuha ng BI sa kanilang foreign counterparts para agad mailagay sa blacklist ng Bureu para siguruhing mahaharang ang mga ito kapag dumating sa bansa.

“When encountered by our officers at the ports these sex offenders are immediately turned back and booked on the first available flight to their port of origin,” ani Morente.

Sinabi ni Morente na base sa Philippine Immigraion Act, ang lahat daw ng mga banyagang sangkot sa mga krimeng may kinalaman sa moral turpitude ay hindi dapat makapasok sa bansa at kailangan kaagad pabalikin sa pinanggalingang bansa kapag nahuili sa airport.

“We will continue to ban the entry of these sex offenders into the Philippines  as they pose a serious threat to the well-being of Filipino women and children,” dagdag ni Morente.