-- Advertisements --

Malapit nang maabot ng Marikina City ang numero para magkaroon ng herd immunity sa kanilang lugar, ayon kay Mayor Marcelino Teodoro.

Ayon kay Teodoro, 35,000 residente na lamang ang kailangan nilang mabakunahan para maabot ang herd immunity sa kanilang lungosd.

Sa kasalukuyan, tinatayang 85 percent na ng kanilang 225,000 eligible residents ang nabakunahan na nila kontra COVID-19.

Sa naturang bilang, nasa 185,000 hanggang 190,000 residente na ang kanilang nabakunahan na noong Hulyo 12.

Ibig sabihin, nasa 30,000 hanggang 35,000 katao na lamang ang kailangan nila para makamit ang target population.