Napatay ang nasa 35 katao habang dose-dosena naman ang nasugatan sa inilunsad na air strike ng Israeli Defense Forces
sa Rafah.
Ayon sa Palestinian Ministry of Health sa Gaza, karamihan sa mga nasawi ay mga kababaihan at mga bata.
Base naman sa Palestinian Red Crescent Society at Gaza government media officials, ang tinamaang civilian area ay kampo para sa mga na-displace na indibidwal dahil sa giyera.
Mariin namang kinondena ng Gaza government media office at Palestinian Emergency Committee sa Rafah ang pag-atake ng Israel sa lugar na itinalaga bilang safe zone para sa mga sibilyan.
Kinumpirma din ng Israeli military na napatay nila ang 2 senior Hamas officials sa kanilang pag-atake sa rafah nitong Linggo.
Tinukoy ng IDF ang mga napatay na Hamas official na sina Yassin Rabia, commander ng liderato ng Hamas sa Judea at Samria at Khaled Nagar, senior official para sa Hamas wing sa parehong region.
Tinamaan umano ng Israeli military ang hamas compound sa lugar.