-- Advertisements --

Hawak na ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga unang mabibigyan ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., nasa 35 milyong mga Pilipino ang nasa priority list, batay na rin sa guidance ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sec. Galvez, gagamitin nilang estratehiya sa pagbibigay ng bakuna laban sa COVID-19 ay geographical at sectoral kung saan uunahin ang mga lugar na mataas ang kaso ng COVID-19 at mga pinakamahihirap, health workers, sundalo, pulis at iba pang frontliners na naroon sa mga nabanggit na lugar.

Ayon kay Sec. Galvez, kabilang sa mga lugar na ito ang National Capital Region (NCR), CALABARZON, Central Luzon, Cebu, Davao at Cagayan de Oro City.

Una nang inihayag ni Sec. Galvez na nasa 20 milyon hanggang 30 milyong mga Pilipino ang kayang bakunahan ng gobyerno kada taon, sa loob ng tatlo hanggang limang taon.