CENTRAL MINDANAO-35 na mga dating Persons Who Used Drugs o PWUD ang nagsipagtapos sa Community Based Drug Rehabilitation Program ng City Government at partner agencies nito noong nakalipas na May 14, 2021.
Bahagi ng Balik Pangarap Program na inorganisa ni City Mayor Joseph Evangelista ang aktibidad na naglalayong matulungang makabalik sa lipunan at mamuhay ng normal ang mga PWUD.
Mandato rin ng Department of Interior and Local Government o DILG sa programa nitong “OPLAN SAGIP – Guidelines on Voluntarily Surrender of Drug Users and Dependents and Monitoring Mechanism of Barangay Anti-Drug Abuse Campaigns” sa lahat ng mga Local Government Units na magpatupad ng CBDRP sa pamamagitan ng kanilang mga Anti-Drug Abuse Councils o ADAC para sa mga low risk at mild disorder na sumukong PWUD.
Dahil sa pagsuko at pakikipagtulungan ng mga PWUD sa Lokal na Pamahalaan, magiging prayoridad na mabigyan ng livelihood assistance ang mga nagsipagtapos sa CBDRP, mensahe pa ni Mayor Evangelista sa mga ito.
Nagmula sa mga barangay ng Binoligan 14, Ilomavis 10, Linangkob 8 at Magsaysay 3 ang mga 35 na mga nagsipagtapos sa loob ng tatlong buwan na CBDRP.
Ginawa ang aktibidad sa City Convention Center sa nabanggit na petsa kung saan ay panauhing pandangal ang mga representante ng partner agencies ng City Government.
Ilan lamang sa mga ito ay ang: Philippine Drug Enforcement Agency, Department of Interior and Local Government, Department of Health, Philippine National Police, at mga Barangay Anti – Drug Abuse Councils ng mga barangay na nabanggit.