-- Advertisements --

Patay ang nasa 35 katao matapos ang pag-araro ng sasakyan sa isang sports center sa Zhuhai, China.

Ayon sa kapulisan ng Zhuhai na biglang sinagasaan ng maliit na off-road na sasakyan ang grupo ng mga tao na nag-eehersisyo sa labas ng sports center.

Naaresto ng mga kapuisan ng 62-anyos na lalaki na kinilala lamang si Fan matapos na saksakin ang sarili kaya ito ay itinakbo sa pagamutan.

Nagawa pang takasan ng suspek ang mga kapulisan at ng naabutan nila ang mga ito ay tinangka niyang saksakin ang sarili nito.

Aabot naman sa 43 mga iba pa ang sugatan na dinala ang mga ito sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga kapulisan ang motibo ng nasabing suspek sa insidente.