-- Advertisements --
Nasa 35 katao na ang nasawi sa naganap na suicide bombing sa isang palengke sa Khartoum, Sudan.
Ayon sa medical charity na Médecins Sans Frontières (MSF) na isang karumal-dumal ang insidente kung saan mahigit 60 katao ang sugatan.
Maaring madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa marami sa mga sugatang biktima ang nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.
Sinasabing binomba ng military ang Qouro market sa Khartoum.
Itinuturing nasa likod ng insidente ay ang karibal na military factions na nagsimula ang laban mula pa noong Abril.