Mahigit 3,500 na katao ang namamatay sa buong mundo araw-araw dahil sa hepatitis virus ayon sa World Health Organization.
Patuloy pa raw na tumataas ang kaso ng hepatitis sa buong mundo. Sa katunayan, ito na ang second leading infectious cause of death globally kasunod ng tuberculosis.
Noong 2022 nga ay may naiulat na 1.3 million ang binawian ng buhay dahil sa naturang sakit. Mas mataas sa naitalang 1.1 million noong 2019.
Dahil dito, nananawagan ang World Health Organization ng mas pinaigting na hakbang para labanan ang Hepatitis lalo na at mayroon naman daw na mura at epektibong gamot para dito.
Ipinunto rin ng organisasyon na kaya maraming namamatay sa sakit ay dahil kakaunti ang nada-diagnose at nagagamot.
Two thirds ng hepatitis cases ay matatagpuan sa Bangladesh, China, Ethiopa, India, Indonesia, Nigeria, Russia, Vietnam, at maging sa Pilipinas.
Ilan sa mga sintomas ng hepatitis ay loss of appetite, abdominal pain, dark-colored urine, joint pain, at jaundice o paninilaw ng mata.