Umaabot sa 359 na mga OFW ang dumating kagabi sa bansa bilang bahagi ng repatriation mula sa United Arab Emirates.
Kabilang sa halos 400 mga dumating sakay ng chartered flight ay ang nasa 80 mga buntis.
Tiniyak naman ng DFA na ang mga ito ay sasailalim sa RT-PCR tests screening at sa mandatory quarantine.
Iniulat pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ito na ang ikatlong chartered flight mula sa UAE ngayong buwan.
Ang mga repatriates ay mabibigyan din naman ng tig-$200 bilang reintegration assistance.
Sinasabing marami pang repatriation program ang isasagawa sa UAE ng pamahalaan.
Sa ngayon nasa 4,811 OFW na mula sa UAE ang inilikas mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Ayon pa sa DFA mahigit s 2 million OFWs ang nagtatrabaho sa sa Middle East.