-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay ang isang lalake sa pamamaril sa lungsod ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Habid Balabaran,36 anyos,may asawa at residente ng Brgy Tamontaka Cotabato City.

Ayon sa ulat ng pulisya na naglalakad ang biktima sa Jose Lim Sr Street kanto ng Bonifacio Street Brgy Poblacion 6 Cotabato City ng bigla itong pagbabarilin ng dalawang menor de edad na suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa lungsod ng Cotabato.

Naisugod pa sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng anim na tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa inilunsad na operasyon ng mga otoridad nahuli ang mga suspek na may edad 16 at 14 anyos na mga residente ng kapinpilan, Barangay Kalanganan Mother Cotabato city.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa Costudial Facility ng Cotabato City Police Office at patuloy na iniimbestigahan.