Buhos ang pagbati kay Neri Naig mula sa mga kapwa niya artista kaugnay sa nalalapit nitong pagtatapos sa kolehiyo.
Nitong weekend nang i-post ng 36-year-old actress ang kanyang graduation photo kung saan nilagyan niya ito ng caption na “finally.”
Base sa kanyang mga ginamit na hashtags, magtatapos ang celebrity mom sa kursong
Business Administration sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program ng University of Baguio.
Sa susunod na buwan itinakda ang pormal na pagtatapos ng misis ng singer na si Chito Miranda.
Kamakailan lang nang ibida ng 22-year-old actress na si Alexa Ilacad ang pagiging college graduate, habang sa Hulyo ngayong taon naman ay magtatapos na rin sa kolehiyo ang 47-year-old beauty queen turned actress na si Ruffa Gutierrez.
Aminado si Ruffa na natagalan siya sa pagiging high school graduate pero maaga naman aniya siyang namulat sa pagtatrabaho sa edad na 13.