-- Advertisements --
Aabot na sa 36 katao ang nasawi dahil sa walang humpay na pag-ulan sa southern Brazil.
Nagdulot ng malawakang pagbaha ang nasabing malalakas na pag-ulan sa nasabing lugar.
Ang ilang residente ay umakyat na sa bubong ng kanilang mga bahay kung saan doon na sila iniligtas.
Mula pa kasi noong Lunes ay nakaranas na ng malakas na pag-ulan sa bahagi ng Rio Grande do Sul.
Nagdeklara na rin si Governor Eduardo Leite na state of emergency dahil sa nasabing pag-ulan.
Umabot na rin sa mahigit 5,300 na mga katao ang sapilitang inilikas sa kanilang bahay kung saan naapektuhan ang may 52,000 na residente at 70 bayan.