-- Advertisements --

Aabot sa 36 na migrants ang nailigtas ng coast guard sa France.

Ayon sa mga otoridad, nagkaroon ng aberya ang sinakyang bangka ng mga migrant sa karagatang bahagi ng Leffrinckoucke kalapit ng border ng Belgium.

Naniniwala sila na ang nasabing mga migrants ay nagtangkang magtungo sa United Kingdom.

Magugunitang noong Nobyembre ay 27 mga migrants ang nalunod sa English Channel ng lumubog ang kanilang bangka.