-- Advertisements --

Umakyat na sa 36 ang patay sa gumuhong 12-storey condominium tower sa Surfside, Florida noong Hunyo 24.

Ito’y matapos karagdagang walong bangkay pa ang narekober ng mga retrieval operations team.

Sa ngayon, nananatiling 109 katao pa rin ang missing at patuloy na pinaghahanap.

Maaaring madagdagan ang nasabing bilang lalo pa’t patuloy na kino-confirm ng mga police detectives ang listahan ng mga residente.

Napag-alaman na patuloy pa rin ang paghahanap ng mga karagdagang biktima sa kabila nang papalapit na tropical storm Elsa sa nasabing estado.