-- Advertisements --

Nakabalik na ang nasa 36 na mga overseas Filipino workers mula sa Israel.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) ito na ang pang-10 batch ng mga repatriates mula ng sumiklab ang kaguluhan.

Sa nasabing bilang ay 32 sa mga ito ay caregivers habang ang apat ay nagtatrabaho sa mga hotels.

Mayroon ng kabuuang 335 ang bilang ng mga Pinoy mula sa Israel ang nakauwi mula ng ipatupad ang repatriation.

Sinabi naman ni DMW Undersecretary Bernard Olalia, na mayroon pang 50 Pinoy ang nais pang umuwi.

Pagtitiyak nito na ang mga OFW na umuuwi ay nakakatanggap ng mga tulong mula sa iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno.

Pagtitiyak naman ni Olalia na inaayos na ng labor attache ang lahat ng proseso para mapauwi pa ang mga Pilipino na naiipit sa kaguluhan sa Gaza sa pagitan ng Hamas at Israel.