Inanunsyo ng Department of Migrant Workers na ngayong araw darating sa Pilipinas ang ika-10 batch ng mga repatriated Overseas Filipino Workers mula sa bansang Israel.
Ang nasabing bilang ay mga Overseas Filipino Workers na naipit sa giyera sa pagitan ng Israeli Defence Forces at Palestinian Hamas Militant.
Sa inilabas na abiso ng ahensya, alas 6: 20 mamayang gabi nakatakdang lumapag ang kanilang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sakay ng isang flight mula Tel-Aviv.
Ang mga ito ay 32 caregiver habang ang apat dito ay mga hotel workers.
Ayon sa DMW, may pinili ng mga mangngalawang Pilipino na umuwi ng Pilipinas para hindi maipit sa gulo sa Israel.
Siniguro naman ng Kagawaran na patuloy silang magbibigay ng tulong sa mga nabanggit na OFWs bilang panimula ng panibagong buhay.