-- Advertisements --

Patay ang 36 katao matapos ang pagkahulog ng bus sa isang bangin sa Jammu district sa India.

Ayon sa mga otoridad na mayroong sakay na mahigit 50 katao ang bus ng mawalan ng kontrol ang driver nahulog sa 300 talampakang taas na bangin.

Sugatan din sa insidente ang 19 na katao na itinakbo ang mga ito sa pagamutan.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi at sinabing magbibigay ito ng tulong pinansiyal sa mga kaanak ng biktima.

Inaalam pa ng otoridad ang sanhi ng nasabing aksidente.