-- Advertisements --

Patay ang 36 katao matapos na mahulog ang bus sa bangin sa Uttarakhand, India.

Ayon sa mga otoridad na mayroong 27 iba pa ang sugatan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad na mayroong kabuuang 44 katao ang sakay ng bus ng mawalan ng kontrol ang driver at bumulusok sa 50 meters na lalim ng bangin sa Marchula.

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing insidente.