(Update) Patuloy na nadadagdagan pa ang mga namatay dahil sa Wuhan coronavirus sa 425 sa mainland China lamang mula noong buwan ng Disyembre.
Sa kabuuan nasa 427 na ang mga namatay kung saan nadagdag ang isang pasyente na nagmula sa Wuhan at namatay sa Pilipinas at ang isa ring kaso nitong araw sa Hong Kong.
Sinasabing ang second case ng fatality outside mainland China ay isang 39-anyos na lalaki.
Palaisipan naman sa mga expert sa Hong Kong ang pangyayari dahil hindi naman ito nakabiyahe sa China at maging ang pamilya nito.
Maaari aniyang local transmission ang nangyari sa namatay na pasyente.
Countries with Wuhan coronavirus cases
Mahigit na sa 25 mga bansa at teritoryo sa labas ng mainland China ang nakapagtala na rin ng mga kaso na dinapuan ng Wuhan coronavirus. Narito ang mga bansa at teritoryo:
Australia (at least 12 cases)
Cambodia (at least 1 case)
Canada (at least 4 cases)
Finland (at least 1 case)
France (at least 6 cases)
Germany (at least 10 cases)
Hong Kong (at least 15 cases)
India (at least 3 cases)
Italy (at least 2 cases)
Japan (at least 20 cases)
Macao (at least 8 cases)
Malaysia (at least 8 cases)
Nepal (at least 1 case)
Philippines (at least 2 cases, 1 death)
Russia (at least 2 cases)
Singapore (at least 18 cases)
South Korea (at least 15 cases)
Spain (at least 1 case)
Sri Lanka (at least 1 case)
Sweden (at least 1 case)
Taiwan (at least 10 cases)
Thailand (at least 19 cases)
United Arab Emirates (at least 5 cases)
United Kingdom (at least 2 cases)
United States (at least 11 cases)
Vietnam (at least 8 cases) (source:cnn)
China accuses US of ‘overacting’
Inakusahan ng China ang US sa pagiging “over-acting” umano sa pagpapatupad ng travel restriction matapos ang pagkalat ng coronavirus.
Ito ay matapos na magpatupad ng level 4 travel ban ang US sa China.
Naghigpit din ang US sa lahat ng mga paliparan para sa mga nais na pumasok sa US.
Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na duda sila sa ipinapatupad na paghihigpit ng US sa kanila.
Itinuturing din aniya na paglabag sa kanilang civil rights ang pagbabawal sa mga Chinese na magtungo sa US.
Dumepensa naman ang US at sinabing kaya sila naghigpit ay dahil sa ipinatupad na ng World Health Organization na isa ng international concern ang nasabing 2019 novel coronavirus.
Contact tracing
Dinoble pa ng mga otoridad sa lungsod ng Dumaguete, Negros Oriental ang kanilang puspusang contact-tracing sa mga iba pang mga indibidwal na nakasalamuha ng dalawang Chinese nationals na kumpirmadong dinapuan ng novel coronavirus.
Ayon kay Dr. Liland Estacion, assistant provincial health officer, nais nilang matiyak na hindi magkakaroon ng local transmission ng nakamamatay na virus na nagmula sa Wuhan, China.
In-admit na rin aniya sa Negros Oriental Provincial Hospital ang nasa limang persons under investigation (PUIs) na na-expose sa Chinese couple makaraang makitaan ng sintomas ng flu.
Dalawa umano sa mga ito ay nanggaling sa hotel, at ang dalawa ay mula sa isang resort na tinuluyan ng mga Chinese, habang ang isa ay nakatabi pa ng mga ito sa isa sa kanilang mga flights.
Bagama’t hindi idinetalye ng opisyal kung ano ang kasarian ng mga pasyente, tiniyak naman nito na binibigyan sila ng kaukulang atensyong medikal.
Naipadala na rin aniya sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang mga swab samples para sa confirmatory tests, at posibleng makuha ang resulta sa loob ng tatlong araw.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Dumaguete City Mayor Felipe Antonio Remollo, sinabi nito na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang mga local health offices upang maresolba ang isyu.
Hindi rin aniya sila nahihirapan sapagkat kusa namang nakikipag-coordinate sa kanila ang mga indibidwal na posibleng nagkaroon ng direct contact sa naturang mga dayuhan.
First fatality outside China
Umagaw naman ng atensiyon sa buong mundo nitong nakalipas na Linggo ang kumpirmasyon ng DOH na isang Chinese na nanggaling sa Wuhan City ang namatay sa Pilipinas.
Ito ang unang kaso ng pagkamatay sa labas ng China.
Sinasabing ang partner ng 44-anyos na lalaki ay nagpapagaling ngayon sa San Lazaro Hospital bilang ikalawang kaso ng nCoV sa Pilipinas.
Ang dalawa ay parehong galing Wuhan, China na nakapasok ng bansa via Hong Kong patungong Cebu at Dumaguete.
Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Chinese embassy hinggil matapos na ma-cremate ang labi ng biktima.
Kaugnay nito nanawagan ang DOH sa publiko na manatiling kalmado sa kabila ng nCoV-related death.
Binigyang-diin naman Duque na nakikipag-ugnayan na rin sila sa airline company na sinakyan ng dalawang pasyente na positibo sa 2019-nCov corona virus.
Gayundin sa embahada ng China matapos na ma-cramate ang labi ng biktima.
Nilinaw naman ng DOH na nasa 80 na ang kaso na patients under investigation (PUIs) sa Pilipinas.
Kung saan umaabot sa 67 ang isolated sa ilang mga pagamutan.
Nasa 10 mga pasyente naman ang nakalabas na ng ospital pero sasailalim pa rin sa mahigpit na monitoring.
Instant hospital in Wuhan
Binuksan na rin sa China ang ginawang bagong pagamutan para sa mga nadapuan ng novel coronavirus.
Mayroong lawak na 25,000 square-meter ang Huoshensan hospital na isa sa dalawang bagong pagamutan na ipinatayo ng China.
Ginawa ang nasabing pagamutan sa loob lamang ng 10 araw mula ng lumalala ang outbreak ng nasabing virus.
Nagtulungan ang maraming mga engineers para mapabilis ang pagpatayo ng espesyal na ospital.
Ipinagmamalaki kasi ng China na sila ang may hawak ng record sa pinakamabilis na magtayo ng mga gusali sa loob lamang ng ilang araw.
Samantala, gumagamit na rin ang China ng mga talking drones para mapagsabihan ang kanilang mamamayan sa kung ano ang kanilang dapat gawin lalo na ang paglalagay ng face mask.