Umabot ng 364 ang bilang ng mga kolorum na sasakyan ang nahuli ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation sa isinagawang operasyon mula Nobyembre 2023 hanggang Hunyo 2024.
Ang anti-colorum operation ay ikinasa ng SAICT katuwang ang Philippine Coast Guard, Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang malabanan ang mga iligal na bumabyahe sa kalsada.
Nasa 200,000 ang ipinataw na multa sa kada van at nasa 1 milyong piso naman sa bawat bus na nahuling iligal na nag o-operate.
Batay sa datos, inaasahan na makakalikom ang ahensya ng kabuuang multa na 135 milyon mula sa mga nahuli.
Samantala, hinihikayat naman ng SAICT ang publiko na huwag nang tangkilikin pa ang mga kolorum na sasakyan kasabay ang paalala nito sa publiko na maging mapagmatiyag at i-report ang mga kahina-hinala at iligal na operasyon ng mga kolorum na sasakyan sa kanilang hotline o sa kanilang mga tanggapan.