-- Advertisements --

VIGAN CITY – 105 ang bagong naitalang succeesful blood donors sa isinagawang Dugong Bombo New Normal Blood Letting Activity sa Vigan City.

Pinangunahan ni Mayor Juan Carlo Medina ang pagdodonate ng dugo na kada taon ay ginagawa ito ng alkalde dahil batid umano nya ang kahalagahan ng pagdodonate.

Maliban dyan, buo ang suporta ng mga residente ng Vigan dahil marami sa kanila ang dumalo at nakibahagi sa nasabing aktibidad.

Kabilang rin sa mga matagumpay na nagdonate ng dugo ang mga opisyal ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at City Hall employees.

Ang nasabing blood letting activity ay sa pamamagitan ng pagtutulongan ng Vigan City Government, Ilocos Sur Provincial Hospital Gabriela Silang at ng Bombo Radyo Vigan.

Sa ngayon, may kabuuan nang 366 total successful blood donors mula sa mga apat na bayang pinuntahan ng Dugong Bombo 2021.