-- Advertisements --
Masayang inanunsyo ni Dimples Romana na lalaki uli ang kanyang ipinagbubuntis.
Ito’y sa pamamagitan ng gender reveal party ngayong araw ng Linggo na dinaluhan ng kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Una nang inihayag ni Dimples o Diana Marie sa tunay na buhay na itinuturing pa rin niya bilang bagong simula ang pangatlong beses na kanyang pagbubuntis.
Nabatid na babae ang panganay ng 37-year-old actress na ngayon ay 18-anyos na, habang pitong taong gulang ang second baby na isang lalaki.
Ngayong araw din nakatakdang lumipad patungong Australia ang panganay na anak ni Romana para pumasok sa aviation school.