-- Advertisements --
Nasa 37 aso ang nailigtas mula sa pagpatay sa isang dog pounding area sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Ayon kay Pawssion Project Founder Malou Perez, ang nasabing mga aso ay nakatakda ng sumailalim sa euthanasia dahil umano sa kakulangan ng pondo ng mga dog pounding center.
Walang mga mag-aadopt o kukuha sa kanila kaya nagdesisyon ang mga operator ng impounding area na sila ay patayin na.
Dahil sa nakalikom ang grupo ng pondo kaya nailigtas nila ang 37 sa 83 na aso na nasa pound area.
Nanawagan din ang local government na maaaring ampunin na lamang ang mga natitirang aso sa impounding area.