-- Advertisements --
Binitay ng gobyerno ng Saudi Arabia ang 37 kalalakihan na nahatulan dahil sa paghahasik ng terorismo.
Ayon sa interior ministry, isa sa mga dito ay kanila pang ipinako sa krus.
Ang 37 na Saudi nationals ay ibinitay sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ito na ang pangalawa sa pinakamaraming nabitay ng Saudi Government kung saan noong Enero 2016 ay 47 katao ang kanilang pinatawan ng parusang kamatayan.