Nadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na nasawi nang dahil sa pagkalunod nitong nakalipas na Semana Santa.
Ito ay batay sa Pinakahuling datos na inilabas ng Philippine National Police mula sa kanilang naging monitoring noong Marso 25 hanggang Marso 31, 2024.
Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Jean Fajardo, sa naturang panahon ay nakapagtala ang kapulisan ng kabuuang 42 insidente ng pagkalunod kasagsagan Semana Santa.
Mula sa naturang bilang, Umakyat na sa 37 ang pawang mga binawian ng buhay, habang apat naman ang nasaktan, at tatlo ang kasalukuyan pa ring nawawala.
Ayon sa PNP, karamihan sa mga insidente na ito ay nagmula sa CALABARZON, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Western Visayas.
Samantala, sa ngayon patuloy pa rin naman ang ginagawang mga operasyon ng mga kinauukulan para sa paghahanap sa mga biktima ng pagkalunod na kasalukuyan pa ring nawawala.