-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang 37 katao sa banggaan ng tatlong sasakyan sa Barangay Pasay, Del Gallego, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga, nabatid na binabaybay ng Raymond Bus na minamaneho ni Alex Marco ang kahabaan ng kalsada sa nasabing lugar nang mag-overtake ito sa isang Toyota Innova.

Subalit hindi umano nakontrol ng driver ang pamnpasaherong bus daan upang sumalpok ito sa kasalubong na Isarog Bus na patungong Maynila.

Bunsod nito, nawalan din ng kontrol ang driver ng Isarog na si Josue Rosa daan upang mabangga nito ang kasalubong na Innova na minamaneho ni Emerita Lianko.

Nasa 24 katao ang nasugatan mula sa Raymond, 11 sa Isarog at dalawa naman sa Innova na pawang nagpapagaling pa sa ospital.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayri.