-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umabot sa 37 kilos ng hot meat ang narekober ng Legazpi City Veterinary Office at Bicol Communicators and Environmental Rescue Group (BCERG) sa isinagawang surprise inspection sa dalawang barangay sa lungsod ng Legazpi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Veterinary Office head Dr. Emmanuel Estipona, tatlong negosyante sa Barangay Taysan at Homapon ang nakuhanan ng mga karne na hindi umano dumaan sa meat inspection at slaughter house.

Giit ni Estipona na hindi ligtas ikonsumo ang mga ito.

Ayon kay Estipona, nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Meat Inspection Code of the Philippines ang mga lumabag habang idinispose na rin ang mga nakumpiskang karne na banta umano sa kalusugan ng mga makakakain dito.

Kaugnay nito, nagpaalala ang opisyal sa mga customer na mas maging maingat sa pagbili ng karne lalo na ngayon na pinangangambahan ang pagpasok ng African Swine Fever (ASF).