-- Advertisements --
Matagumpay na nakapagtapos ng senior high school (SHS) ang nasa 37 na mga bilanggo mula sa minimum at maximum compound ng Leyte Regional Prison.
Ito ay kinumpirma mismo ng pamunuan ng Bureau of Corrections .
Ayon sa ahensya, ang nasabing bilang ng mga inmate ay sumailalim sa 2nd Alternative Learning System (ALS) para sa SHS sa Cagbolo Senior High School.
Paliwanag ng BuCor na ang pagtatapos nito ay patunay lamang ng mga reformation at rehabilitation program ng Leyte Regional Prison.
Makatutulong ito para sa mga inmate na magkaroon ng mas malawak na oportunidad at magandang kinabukasan sa kanilang paglaya.
Tiniyak naman ng BuCor na magpapatuloy ang lahat ng kanilang mga programa para sa mga PDLs sa lahat ng piitan sa bansa.