-- Advertisements --
uTAH jAZZ jORDAN cLARKSON
Fil Am Utah Jazz star Jordan Clarkson (photo @utahjazz)

Nasayang ang big game ng Filipino American na si Jordan Clarkson nang hindi umubra ang kanyang 37 points makaraang talunin ng Denver Nuggets ang kanyang team na Utah Jazz, 106-100.

Si Clarkson kasi ang umako sa scoring load ng koponan nang inalat ang kanilang top scorer at All-Star na si Donovan Mitchell.

Matinding depensa ang inilatag ng Nuggets kay Mitchell na meron lamang four on 1-for-12 shooting.

Si Clarkson naman ay nagpakitang gilas ng husto sa fourth quarter nang kumamada ito ng 24 points mula sa kanyang kabuuang 37.

Marami namang pinabilib ang Fil Am sa all-around game nito kabilang na ang pitong triples.

Sa kabilang dako, binitbit ni Nikola Jokic ang Denver sa pamamagitan ng kanyang 28 points.

Anim sa kanyang puntos ay ginawa ni Jokic sa final two minutes.

Pinunan ni Jokic ang hindi paglalaro nina Jamal Murray (sprained left ankle), Paul Millsap (bruised left knee), Gary Harris (personal reasons) at Mason Plumlee (right foot).

Malaking tulong din sa team si Michael Porter Jr. na nagtapos sa 12 points at 12 rebounds mula sa bench.

Sa ngayon hawak na ng Nuggets ang 33-15 record habang ang Jazz naman ay may 32-16 na kartada.

Ang next game ng Jazz ay kontra Portland sa Linggo.

Ang Nuggets ay haharapin sa Sabado ang Milwaukee.