CENTRAL MINDANAO – Nanguna si Cotabato Vice-Governor Emmylou ”Lala” Taliño Mendoza sa turn-over ceremony sa 37 transitional shelters sa Brgy Paraiso, Tulunan, North Cotabato.
Ito ay bahagi ng inisyatibo ni Mendoza na matulungan ang mga residente sa probinsya ng Cotabato na nawalan ng tahanan sa nakalipas na magkasunod na lindol.
Dumalo sa turn-over ng transitional shelters sina Board Member Ivy Dalumpines-Ballitoc, BM Joemar Cerebo, BM Jonathan Tabara, BM Shirlyn Macasarte Villanueva, BM Rosalie Hallado-Cabaya at BM Albert Rivera.
Sumaksi naman sa aktibidad sina Tulunan Mayor Mayor Pip Pedregosa Limbungan, Vice Mayor Maureene Villamor, Councilor Cathylyn Jane Aba Sernal, Councilor JoJo Ortizo, Suarez, Councilor Rogie Lantoria at heads of offices ng LGU- Tulunan.
Kasama rin sa mga bisita sina 602nd Brigade commander B/Gen. Roberto Capulong, Philippine Councilors League Officers and Members in Cotabato Province, University of Southern Mindanao Alumni Association Officers at mga Brgy Kapitan ng bayan ng Tulunan.
Ang programang pabahay sa mga biktima ng lindol ay bahagi ng Serbisyong Totoo, Serbisyo Sigurado at Serbisyo na Kumpleto ni VG Mendoza.
Todo pasasalamat naman ang mga residente ng Brgy Paraiso kay Mendoza dahil sa kabila ng krisis sa Coronavirus Disease (COVID-19) ay hindi sila nakalimutan nito na matulungan na magkaroon ng bagong tirahan.
Matatandaan na unang tinurn-over ang aabot sa 13 na mga pamamahay dahil na rin sa inisyatibo ni BM Shirlyn Macasarte Villanueva at ng kanyang mga kaibigan, Samantha Santos, Cotabato Young Leaders Congress at National Movement of Young Legislators.
Sa ngayon, aabot na sa 50 na mga tahanan ang naibigay sa mga biktima ng lindol sa Brgy Paraiso sa bayan ng Tulunan sa ilalim ng programang serbisyong totoo.