-- Advertisements --

Best Christmas and 10th wedding anniversary gift kung ituring ni Kristine Hermosa ang pagbubuntis muli sa pang-apat na anak nila ni Oyo Boy Sotto.

Ayon sa 37-year-old actress, hangad nitong babae ang nasa kanyang sinapupunan na siya ring wish ng kanyang first born na si Ondrea na isa ring babae.

Kristine big fam
@khsotto Another answered prayer🙏🏻🤰💕 Salamat God sa mga pahabol na sorpresa ngayong taon. ☺️🎁 Thank you Lord for sustaining us this entire year.. pati rin sa mga nakaraang taon at sa buong buhay namin at ng mga anak namin. You are faithful God. 💕 kung wala ka, di namin alam kung saan kami pupulutin. 🥺🙏🏻 All glory to you God. 🥰 Salamat sa pagmamahal mo sa amin. ❤️ I LOVE YOU SO MUCH JESUS —
I love you Oyo, Kiel,Dre,Kaleb,Vin & Baby in my belly 🤰 Best Christmas and Anniversary gift from above 🙏🏻❤️

Sa kabuuan, baby No. five na ito ng celebrity couple kung saan isa ang kanilang adopted.

Taong 2011 nang isilang ni Hermosa ang unang baby nila ng 36-year-old actor, ang parehong taon kung kailan sila ikinasal.

Kasunod na nito ang pag-ampon nila sa baby boy na pinangalanang Kristian Daniel, at 2014 nang mabuo ang second biological child na isang lalaki.

Sa panig ni Oyo o Vittorio Mari Bonnevie Sotto sa tunay na buhay, napahiyaw pa rin siya sa tuwa para sa sorpresang bigay ng Diyos at gusto rin ng baby girl.

“Nag POSITIVE!!!

Positive na mapapahiyaw ka sa tuwa! Grabe ka Lord! Salamat Lord Jesus! Napaka faithful mo kahit kailan❤️ God is truly amazing. Ibang klase ang mga sorpresa mo…🎁 Best Christmas gift ever👶🏻🍼 #5 #prayingforagirl” caption nito sa larawan ng pregnancy test ng misis.