Aabot sa 37,000 doses pa ng Sinovac vaccines na gawa ng China ang hindi pa rin naibabakuna sa probinsiya ng Quezon.
Paliwanag ni provincial Governor Danilo Suarez, batay sa ulat mula sa health units na marami sa kanilang mga residente ang pinipiling magpaturok ng ibang brand ng COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer, Astrazeneca, Moderna, Gamaleya at Janssen.
Dagdag pa ng local executive na naging mapili aniya ang mga residente ng lalawigan kasunod ng pagdating ng kanilang preferred na brand ng bakuna.
Dahil dito, ayon sa gobernador, mag-iisyu ito ng isang ordinansa para matiyak na walang vaccine preference.
Hinikayat ni Suarez ang kaniyang constituents na tanggapin ang available na bakuna anuman ang brand na ibibigay sa kanila.
Nauna ng hinikayat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr ang mga opisyal ng LGUs na magpasa ng ordinansa para suportahana ang “no vaccine preference policy.”