-- Advertisements --

Nasa ika-apat na sunod na araw na ngayon na nakakapagtala ng mas mababa pa sa 5,000 ang Department of Health (DOH) sa kanilang daily tally matapos madagdag ang 3,788 na mga bagong dinapuan ng COVID-19.

Umaabot na ngayon sa 3,630,637 ang mga nahawa ng virus mula noong taong 2020 sa Pilipinas.

Samantala mayroon namang naitalang 5,652 na mga gumaling.

Ang mga nakarekober ay umaabot na sa 3,484,636.

Meron namang 72 na nadagdag na mga pumanaw.

Ang death toll sa bansa ay nasa 54,854 na.

Sinasabing ang 91,147 ay ang pinakamababang aktibong kaso mula noong Jan. 7, 2022.

Natukoy din ngayon ang 14.7 positivity rate na siyang pinaka-lowest mula Dec. 29 ng nakalipas na taon.

Mayroon lamang isang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.