-- Advertisements --
Nasa ikalimang araw na ngayon na magkasunod na mababa pa sa 5,000 ang naitatala ng Department of Health (DOH) na mga bagong kaso matapos na makapagtala ng 3,792 na karagdagang COVID-19 sa bansa.
Ang kabuuang nahawa sa virus sa Pilipinas ay umaabot na sa 3,634,368.
Samantala, mayroon namang naitalang 10,662 na bagong mga gumaling.
Ang mga nakarekober sa bansa ay nasa 3,495,209 na.
Sa ngayon ang mga aktibong kaso ay bumaba pa sa 84,229.
Meron namang 76 na mga nadagdag din sa listahan na mga pumanaw.
Ang death toll sa bansa ay nasa 54,930.
Habang mayroong apat na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.