Kani-kaniyang pag-alala ang ilang kaanak ng binansagang catastrophic maritime disaster sa bansa o ang insidente ng banggan ng MV Doña Paz at oil tanker na MT Vector noong 1987.
Nangyari noon ang insidente sa Tablas Strait, sa pagitan ng Marinduque at Oriental Mindoro provinces.
Maliban kasi sa banggan ng dalawang sasakyang pandagat, nagkaroon din ng malaking sunog na nagresulta sa kamatayan ng 4,386 pasahero at tripulante ng mga barko.
Ito na ang deadliest peacetime maritime disaster sa kasaysayan.
Ayon kay Gloria Cobacha, ang kaniyang mister ay kabilang sa mga nasawi sa trahedya.
Habang sina Jorge at Thelma Almencion naman ay ginunita ang masasayang ala-ala ng kanilang anak na si Maggie Merida Almencion at brother in-law na si Vicentito Volfango Merida.
May iba namang nagpaanod ng bulaklak sa pinangyarihan ng trahedya at ang ilan ay nagpalipad ng lobo malapit sa naturang lugar.