-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpapasalamat ang 38 mga dating rebelde sa Compostela Valley na natulungan sila ng pamahalaan na sumailalim sa training sa Technical Education and Skills Development (TESDA) sa loob ng limang buwan para magkaroon ng kaalaman na maaari nilang magamit sa pagbabagong buhay.

Sa isinagawang graduation, tinanggap ng mga dating rebelde ang kanilang national certification kung saan nagpapatunay ito na maaari na silang makapaghanap ng trabaho dahil sa kanilang mga natutunan sa training.

Maliban sa certification, mayroon ding ibinigay sa kanila na mga starter tool kit.

Ayon pa kay Arlyn Bandang, provincial director ng TESDA, malaking tulong ang pagturo dahil isa ito sa mga paraan para magkaroon ang mga dating rebelde ng sapat na kaalaman na kanilang magamit sa darating na mga panahon.