-- Advertisements --

Patay ang nasa 38 katao matapos na pagbabarilin ng mga armadong suspek ang convoy ng isang pampasaherong sasakyan sa Pakistan.

Ang insidente ay nangyari sa Kurram District ng Pakistan na malapit sa border ng Afghanistan.

Unang target ng mga suspek ang police escort ng convoy.

Itinuturin ni Nadeem Aslam Chaudhry, the chief secretary Khyber Pakhtunkhwa province na isang kagimbal-gimbal na krimen ang nasabing pangyayari.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng nasabing motibo ay ang awayan sa lupa sa nasabing rehiyon.