Tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 38 lugar sa bansa bilang election hotspots.
Ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla, nasa 27 mula sa 38 natukoy na hotspots ay nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Saad ng kalihim magkakaroon sila ng special meeting hinggil sa election hotspots sa November 15 para talakayin ang mga contingencies kung ano ang dapat gawin para masiguro ang ligtas at patas na halalan.
Maigting din aniya nilang babantayan ang ikatlo at ikaapat na distrito ng Leyte kung nasaan ang Albuerta na nakakapagtala na ng mga casualty o patayan.
Samantala, una ng sinabi ni Philippine National Police chief Gen. Rommel Marbil na inatasan niya ang mga police unit sa buong bansa na higpitan ang seguridad, partikular na laban sa mga armadong grupo na maaaring makagambala sa paparating na campaign period para sa 2025 elections.