Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na 38 pang mga naging close contact ng 13 dinapuan ng COVID-19 na may UK variant ang nahawa rin sa coronavirus.
Ito ang iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Ayon sa kanya, doon sa 12 mga COVID-19 cases na infected ng UK variant ng coronavirus sa Bontoc, Mountain Province, nasa 34 sa mga ito ay na naging close contacts ang nagpositibo rin.
Sinabi pa ni Vergeire na sa 144 na mga close contacts sa 12 mga COVID-19 cases na infected ng UK variant sa Bontoc ay kinilala na kung saan 116 sa mga ito ay isinailalim na sa COVID-19 tests at nasa isolation na rin.
“We have identified three clusters of COVID-19 infection in Bontoc and these had linkages with each other,” ani Vergeire. “Nakikita na natin iyong pagkakahawa-hawa, nakikita natin iyong pinagmulan but we still need to backtrack.”
Una nang inilagay sa mas mahigpit na lockdown ang limang mga barangays sa munisipyo ng Bontoc.