-- Advertisements --
Natanggap na ng Taiwan ang 38 advanced Abrams battle tanks mula sa United States.
Ayon sa defense ministry ng Taiwan, ang halos 40 battle tanks ay ang unang batch ng kabuuang 108 advanced Abrams na una nitong inorder noon pang 2019.
Sa pagdating ng mga bagong battle tanks, lalo pang lumakas ang kasalukuyang tank force ng Taiwan.
Mayroon na itong 1,000 Taiwan-made na CM 11 Brave Tiger at US-made M60A3 tanks, dagdag pa ang mga bagong-dating na Abrams.
Ang nalalabing tangke mula sa mahigit isandaang order sa US ay inaasahan namang madadala pagsapit ng 2025 at 2026, batay sa target ng US at Taiwan.
Ayon sa Taiwanese defense ministry, agad inilipat ang mga bagong tangke sa army training base sa Hsinchu, isang syudad sa timog ng Taipei.