-- Advertisements --
image 369

Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng 38 pasahero lulan ng isang barkong nagkaaberya sa may bisinidad ng isla ng Siargao sa Surigao Del Norte.

Ayon sa PCG, iniulat ng kapitan ng barkong M/V Reina Xavier na nagkaroon ng malfunction ang isang makina habang papalapit ang barko sa pantalan ng Dapa.

Bunsod na rin aniya ng malakas na hangin, napadpad ito sa naturang lugar at kalaunan ay sumadsad.

Nasa magandang kalagayan na ang lahat ng mga pasahero at walang napaulat na anumang casulaties mula sa insidente.