-- Advertisements --
Nasa 38 katao ang napatay sa patuloy na kilos protesta sa Myanmar.
Ayon kay United Nation ambassadro to Myanmar Christine Schraner Burgener, na pinababaril ng mga militar sa Myanmar ang kumpol ng tao sa ilang mga lugar kung saan nagaganap ang kilos protesta.
Itinuturing na ito na ang pinakamatinding insidente dahil sa dami ng nasawi mula ng sumiklab ang kilos protesta noong Pebrero 1 ng agawin ng militar ang pamumuno sa gobyerno.
Mula noong nagsimula ang kaguluhan ay pumapalo na mahigit 50 katao na ang nasawi.
Magugunitang inagaw ng miltar ang pamumuno sa gobyerno ni Aung San Suu Kyi dahil umano sa alegasyon ng malawakang dayaan.