-- Advertisements --

Nasa 38 katao ang nasawi matapos masunog ang isang ferry sa Bangladesh.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa kinaroroonan ng makina.

Galing sa bayan ng Dhaka ang ferry patungo sa Barguna ng maganap ang aksidente sa Sugndha River.

Posibleng umakyat pa ang bilang ng mga nasawi dahil mayroong mahigit 50 katao ang itinakbo nila sa pagamutan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.