Pinataob ng Detroit Pistons ang Atlanta Hawks sa kabila ng 38-point double-double ni Atlanta Hawks sharpshooter Trae Young.
Tinapatan kasi ni Pistons star Cade Cunningham ang 38 pts 13 assists ni Young at gumawa rin ng 38 points 12 assists, kasama ang pitong rebounds.
Maliban kina Young at Cunningham, nagtapatan din ang dalawang Pistons at Hawks player na sina Dyson Daniels at Malik Beasley.
Nagawa ni Hawks guard Daniels na magpasok ng 24 points at anim na assists habang 24 points, 7 rebounds naman ang sagit ni Pistons bench Malik Beasley.
Tanging ang 3rd scorer ng Hawks na si Georges Niang na kumamada ng 27 points ang hindi natapatan ng Pistons.
Gayonpaman, mistulang nagtulungan na ang iba pang player ng koponan matapos limang iba pa ang kumamada ng double-digit score. Sa kabuuan ng laban, pitong player ng Pistons ang nagbulsa ng double-digit scores daan upang ibulsa ang panalo kontra sa Hawks.
Nagpalitan din ang dalawang koponan ng mahigit 20 tres kung saan 21 ang naipasok ng Hawks habang 20 ang isinagot ng Detroit.
Ito na ang ika-31 pagkatalo ng Hawks ngayong season habang 26 na laro pa lamang ang naipapanalo nitong laban. Sa kabilang banda, 31 laro na ang naipanalo ng Detroit habang 26 ang nalasap nitong pagkatalo.