-- Advertisements --

Nasa 38 preso na ang nasawi matapos masunog ang Gitega Prison sa Burundi, Eastern Africa.

Sinabi ni Burundi Vice President Prosper Bazombanza nangyari ang sunog ng madaling araw kung saan mahimbing na natutulog ang mga preso.

Hindi naman malaman ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nasunog ang kulungan dahil noong Agosto ay sumiklab din ang sunog ng magkaroon ng problema sa electrical connections pero walang nasawi.