Hinay-hinay muna sa pag-workout at maging sa kanyang trabaho ang celebrity ang stylist na si Liz Uy.
Ito’y kasabay ng kanyang pagdadalang-tao sa second baby nila ng negosyante at ngayo’y official husband na niyang si Raymond Racaza.
Ayon sa 38-year-old stylist, nasa ika-apat na buwan na ng lockdown noong sila ay makabuo at kapwa natuwa naman sila.
Gayunman, hirap din ito uli tulad noon sa kanyang unang beses na pagbubuntis kung saan siya ay dumadanas ng hyperemesis gravidarum o yaong labis at madalas na pagsusuka.
“Since then, I have slowly gotten back to working out. I discovered that Pilates is good for me. I’ve been easing back into work as well, overseeing my team at Stylized Studio and Mood. I started talking to friends and family again. I spend more time with my boys, Xavi and Raymond,” saad nito sa The Philippine Star.
Tila ibinunyag din nito na kasal na sila ni Racaza matapos tinawag na niya ito na kanyang “husband.”
“Best of all, I have a husband who makes motherhood an even greater journey. There is love, and there is unconditional love that I share with Raymond and Xavi, and soon enough, with our second child,” dagdag nito.
Nitong Oktubre lang nang ianunsyo ni Uy na siya ay engaged na sa pamamagitan ng pag-post ng kanyang solo picture habang suot ang singsing.
Sa ngayon ay tatlong taong gulang na ang kanilang panganay.
Kung maaalala, naging kontrobersyal ang panganganak ni Uy noong 2018 dahil sa umano’y isinikreto lalo’t pamilyado na ang nasabing negosyante pero kinalaunan ay naiulat na annuled na.
Si Uy ay dating girlfriend ng aktor na si John Lloyd Cruz at na-link din kay dating Pangulong “Noynoy” Aquino.