-- Advertisements --
Liz Uy 2
Liz Uy: “In all lifetimes, always a yes

Inulan ng pagbati mula sa mga local celebrity ang stylist na si Liz Uy.

Ito’y kasunod ng kanyang anunsyo na nakatakda nang ikasal sa negosyante at kanyang partner na si Raymond Racaza.

Naging simple lamang ang pagsapubliko ni Uy sa kanyang engagement kung saan idinaan niya lamang ito sa pag-post ng kanyang solo picture habang suot ang singsing.

Nabatid na si Racaza din ang ama ng ipinagbuntis ng 38-year-old stylist na ngayon ay tatlong taong gulang na.

Kung maaalala, naging kontrobersyal ang panganganak ni Uy noong 2018 dahil sa umano’y isinikreto lalo’t pamilyado na ang nasabing negosyante pero kinalaunan ay naiulat na annuled na.

Si Uy ay dating girlfriend ng aktor na si John Lloyd Cruz at na-link din kay dating Pangulong “Noynoy” Aquino.