-- Advertisements --

Tiniyak ng Manila Electric Company (Meralco) na puspusan ang ginagawang nilang trabaho upang maibalik na ng 100% ang suplay ng koryente na naapektuhan sa pagdaan ng super bagyong si Karding.

Iniulat ngayon ng Meralco na bumaba na sa 3,850 na lamang na mga kunsumidores ang wala pa ring suplay ng koryente na karamihan ay nasa San Miguel, Bulacan.

Una ng sinabi ng Meralco na nasa 1,000 nilang mga linemen ang ipinalabas nila upang maibalik sa lalong madaling panahon ang suplay koryente sa kanilang mga customers.