-- Advertisements --
image 196

Ipinagdiriwang ng model-actress na si Heart Evangelista ang kanyang ika- 38th Birthday ngayon kasabay ng Selebrasyon ng Valentines Day.

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas kilala na Heart Evangelista bago ang espesyal na araw ay nauna ng nakatanggap ng regalo si Heart galing sa kanyang asawa na si Senator Chiz Escudero.

Nasurpresa ang aktres dahil hindi niya inaasahan na ang white sculpture na mukha niya ay ginawa 17 years ago sa kanyang role sa isang drama.

Ayon kay Heart, lubos siyang di makapaniwala dahil nabanggit niya ito kay Chiz 3 years ago pa, super happy naman ang artist at nauna ng nag dinner kasama ang kanyang pamilya bago ang kanyang kaawaran. Pagbati naman ang natanggap ni Heart sa kanyang mga fans.