-- Advertisements --
Arestado ang 39 katao matapos na nauwi sa riot ang isang kasiyahan sa Frankfurt, Germany.
Dinaluhan ng ilang libong katao ang open-air party sa central Frankfurt ng sumiklab ang kaguluhan.
Dahil sa pangyayari ay sugatan rin ang limang kapulisan ng pigilan nila ang labanan ng 30 katao.
Ayon kay Frankfurt police chief Gerhard Bereswill, karamihang mga kabataan ang dumalo sa nasabing kasiyahan hanggang nagsimulang magbatuhan ang mga ito ng bote.
Kinondina naman ni Frankfurt Mayor Peter Feldmann ang nasabing insidente at sinabing hindi katanggap-tanggap ang pangyayari.